Ang Saya ng Karoling

Ang Saya ng Karoling!

Katha Ni CTFLC President Maria Fontimayor

 

Hindi ko inisip, at wala sa aking panaginip

Na ang isang Sabado ay maging napakasaya

Mga tinig na  kay ganda, narinig kahit mata’y pikit

Mga pamaskong awitin  sa bibig ay nabigyang laya.

 

Pagdating palang nga mga tagatugtog na si Kuya Ardel at Digno,

Alam na ng lahat na super ganda ang mga maririnig na kantang pamasko

Aba, e, ‘di lang kasi gitara, Ay naku! May banduria pa.

At meron pa kaming Dr. Julie na eksperto sa musika.

 

Sa tamang oras, ang pagdiriwang ay nag-umpisa

Syempre pa, kailangan gawin basta’t sinabi ni Dr. Estela

Introduksiyon ay ginawa at sinundan ng “Panunuluyan”

Pagkatapos ay inawit ang “Silent Night” na kanta.

 

Ipinaliwanag pa ni Ninang Estela

Kung ano talaga ang pagdiriwang ng Pasko

At ang isa pang doktor na bisita bumasa din ng tula

Para ibahagi ang kahulugan ng Pasko mula sa mga Puso.

 

At ng matapos ang “Panunuluyan” inumpisahan na ang kantahan

“Ang Pasko  ay Sumapit” ay  inawit sa pagpapatuloy ng  pagdiriwang

Ang mga kiling-kiling, kastañeta, maracas, at iba pang instrumentong pangmusika

Umalingawngaw sa paligid para sabayan ang masayang pagkanta.

 

Sa kahilingan ng lahat, si Mary Rose ay nagsolong kumanta

Ng “O Holy Night”, naku po ang galing talaga!

Ang lahat ay tumingin sa kanya, kasi’y talagang namangha

Kasi naman tumagos sa puso ang bawat liriko ng inawit niya.

 

Pagkatapos ng ilang kanta, ang hapag kainan ay handa na

Para sa isang masaganang tanghalian na ‘wag tawaran at may litson pa!

Si Ginoong Ador  ang nanguna sa pagdarasal

Upang ang mga pagkaing inihandang masagana ay mabasbasan na.

 

Pagkatapos ng tanghalian, itinuloy ang pagkanta

May naidagdag pang mga awit na kakaiba.

Sumayaw ang lahat sa “Jingle Bell Rock” at “ I have a Blue Christmas”

Na pinangunahan ni Mary Rose at Maria

Kahit na ang mga liriko ay binasa sa telepono dahil wala na sa kopya.

 

Bago magtapos ang  karoling sa Murietta,

Namigay pa ng regalo si Ate Carole sa lahat ng bisita

Kaya nga’t sa bandang huli, ang pag-awit ng dasal

Ng “May the Good Lord Bless and Keep you”

Ay inialay sa host na pamilya at mga bisita.

Tinapos naman ng kantang “Thank you Very Much” ni Digno at Ardel

Ang Karoling sa talagang  napakasaya.