Tula: 2nd Professional Development

Ika-30 ng Hunyo 2018, Skyline Hills Branch Library

Sinulat ni Myrna P. Ablana


 

Mga kasamahan, heto na, heto na

Ibabahagi ko magandang istorya

Ang workshop kahapon tunay na masaya

Pero na-miss namin ang hindi pumunta.

 

Sa Skyline Library, idinaos ito

Maraming salamat, kay Mr. Risotto

Nang magsidating na bawat isang miyembro

Tulong-tulong sila, inayos ang kuwarto.

 

Ang unang presenter ay si Farah Diva

Reading fluency nga itong topic niya

Pangalawa naman Virginiang maganda

Paghabi ng tula itinuro baga.

 

Naku, ang pangatlo si Sally De Vera

“Kagan” activities, kanyang prinesenta

At bilang pang-apat, si Grace tumayo na

“Writing for Beginners,” wow na wow talaga.

 

Panlima si Blanca, “Retirement” ang diin

Ang math skills namin ay kanyang ginising

Sinundan ni Ofel, CSP in na in

“Alternative Approach” tiyak gagamitin.

 

Ang huling speaker, yes po, si Maria

"Pinoy Pala Ako," ikaw, ano nga ba?


 

Ang facilitator ay itong si Riza

Patok na patok po, mga pakulo n'ya.

 

Timekeeper si Briar, mayroong palaro

Bola ang ginamit pero hindi biro

Si Mike naghanda rin, lahat pinatayo

Pinoy Henyo naman, ni walang sumuko.

 

Mag-asawang Idos, mula sa tahanan

Kanilang culture box, pinagpiyestahan

Bakit nga ba hindi, sa dami ng laman

Ang kultura natin, isang kayamanan.

 

Tinawag ni Gloria ang mga panalo

Mayroong papremyo, bawat isang miyembro

May certificate din pagdating sa dulo

Marilin, Maria, a million thanks to you.

 

At si Dr. Nacu ay nagbahagi rin

Sa Poway Unified, events na gagawin

Mga bagong guro, nag-volunteer mandin

Sila ay tutulong, kamtin ang mithiin.

 

Tunay na successful ang workshop kahapon

Ang mga committee, nakamit ang layon

Aking panalangin, na sana'y sa taon

Mas marami tayo, lahat naroroon.


 

Salamat pong muli, mga kapamilya

Kayo ay kasama, hirap at ginhawa

Ang Poong Maykapal tuwina’y kasama

Nagbibigay lakas, pag-ibig, pag-asa.